EUGENE Y. EVASCO
KUNDIMAN
At
matapos nating ipagkawing-kawing at isalansan
ang
alaala ng mga nagdaang magdamag at ugsad;
ang
pagsubaybay ng daliri sa dawag ng kilay at pilikmata;
ang
pagpupog ng mga mumunting halik sa aking baba;
ang
pagtatagpo ng naglulupasay nating mga mata;
ang
pagbulong ng mga palhing hagikhik sa leeg;
ang
pagtantiya sa mga hunas at taub ng paghagod;
ay!
anong galak, lugod, sigla ang kumakanti't dumadarang.
Tila
ako inaahon ng iyong muling pagtuntong dito
sa
aking silid. Makikiangkas tuloy sa iyong pagtalunton
sa
mga balangkas at ruta ng pagsinta; maglalaho ang mga gabing
nilulunod
ng pagkamingaw sa mga mangingibig na nakaligtaan,
walang
pangalan , o hindi man lamang inalam ang ngalan;
malulusaw
sa gunita ang pakikilingkis ng dalamhati
sa
lunggati ng mga madaling-araw na tanging unan at kumot
ang
kinakamot habang namumuyat at nambubulabog ang tilaok
at
upasala ng walis-tingting sa mga nalagas na dahon.
Lumulutang
tayo, lumulutang. Mabulas! Gayong nakikipagbuno
sa
pangamba't alinlangan sa pagsasakatuparang padaluyin,
dalhin
ang binhi, lahi, pangalan. Kaya salamat, sinta, salamat.
Iniibig
mo ako, hindi man kita mabiyayaan ng dinarakilang anak.
Iniibig
kita, kapwa man natin inaapuhap ang sinapupunan.
|